Ano nga ba ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa kasalukuyan? Krimen? Korupsyon? O kahirapan? Para sa akin, lahat ng
mga problemang nabanggit ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking
kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Nang dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala
ng kanilang kakulangan sa pera, napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi
mabuti o marangal. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa
ating bansa. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi
masolusyunan dala ng kahirapan. O dala ng pagsasawalang bahala?
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno.
Binubulsa nila ang pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang
Pilipino. Pero kung iisipin, ang korapsyon ay laganap saanmang bansa. Pero
bakit ang Pilipinas ay tila naiiba? May korapsyon nga sa ibang bansa, ngunit
bakit maunlad ang kanilang bansa?

Papayag nalang ba kayong mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo
makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating
buhay? Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan
na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa!
Iwasan natin ang magpaka-tamad. Dapat mismong ikaw ay gumagawa ng paraan
para matuldukan ang kahirapan. Huwag natin isisi lahat sa Gobyreno. Porke sila
ang namumuno, sila na ang may kasalanan? Minsan sumagi na ba sa isip mo kung
ano ang naging kontribusyon mo sa lipunan ukol sa kahirapan? Naway naunawaan
niyo ang aking gustong iparating.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento