Huwebes, Agosto 27, 2015

Kahirapan. Sino nga ba ang dahilan?


Ano nga ba ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa kasalukuyan? Krimen? Korupsyon? O kahirapan? Para sa akin, lahat ng mga problemang nabanggit ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Nang dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi mabuti o marangal. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. O dala ng pagsasawalang bahala?

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Binubulsa nila ang pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino. Pero kung iisipin, ang korapsyon ay laganap saanmang bansa. Pero bakit ang Pilipinas ay tila naiiba? May korapsyon nga sa ibang bansa, ngunit bakit maunlad ang kanilang bansa?

Isa pang dahilan ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan. Ang Katamaran ay katumbas ng Kahirapan. May mga oportunidad na nababalewala dahil ang mga tao ay kuntento na sa kung ano ang meron sila.

Papayag nalang ba kayong mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa!


Iwasan natin ang magpaka-tamad. Dapat mismong ikaw ay gumagawa ng paraan para matuldukan ang kahirapan. Huwag natin isisi lahat sa Gobyreno. Porke sila ang namumuno, sila na ang may kasalanan? Minsan sumagi na ba sa isip mo kung ano ang naging kontribusyon mo sa lipunan ukol sa kahirapan? Naway naunawaan niyo ang aking gustong iparating.